1 Chronicles 1:34-37

Ang Lahi ni Esau

(Gen. 36:1-19)

34Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.
Israel: o, Jacob.
35Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeush, Jalam at Kora. 36Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo,
Zefo: o, Zefi.
Gatam, Kenaz at Amalek. Si Amalek ay anak niya kay Timna.
Kenaz … Timna: Ito ay nasa ibang mga tekstong Septuagint; pero sa Hebreo, Kenaz, Timna at Amalek.
37Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama at Miza.

Copyright information for TglASD